🔴 Nakapatay ng nasa 33 kabataang lalaki at inilibing sa kanyang bahay Killer clown

Si John Wayne Gacy , na mas kilala sa tawag na "Killer Clown" ay isa sa pinaka-matinding serial killer sa kasaysayan ng bansang America. Pinagsamantalahan nya at brutal na pinatay ang hindi bababa sa tatlong’put tatlong kaba’taang lalaki.

Sino nga ba si john wayne gacy

Si John Wayne Gacy ay isang notorious na American serial killer at rapist na kilala sa pagdisguised bilang clown sa kanilang lugar. Sya ay walang awang kumuha sa buhay ng tatlongput tatlong kabataang lalaki sa Cook County Illinois na karamihan sa mga naging biktima nya ay inilibing nya sa basement ng mismong bahay niya. At ang iba pa sa mga naging biktima nya ay natagpuan ng mga otoridad hindi kalayuan sa Des Plaines River.